Archive for August 1st, 2012

August 1, 2012

Clark Airport, ikatlo sa pinakamagandang airport zone sa mundo: report

Kinilala ang Clark International Airport sa Pampanga bilang ikatlo sa “Best Aiport Zone” sa buong mundo.

Batay ito sa resulta ng survey na nailathala sa magazine ng Financial Times Business Group of London.

Masaya itong ibinalita ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda at sinabing ginagawa na ng pamahalaan ang makakaya nito para mas pagandahin pa ang naturang paliparan.

“We welcome the assessment made by the London Financial Times Group. Certainly, we are in the process of improving our airport facilities… That has been the commitment made by Transportation and Communications Secretary Mar Roxas to the President and, therefore, the said agency will exert all its best efforts to improve the facilities of not only Clark but also the other airports,” ani Lacierda.

Sa naturang survey, nanguna ang Dubai Airport Free Zone at ang Morocco’s Tanger Free Zone.

Noong 2010, pasok din sa ika-pitong pwesto ang Clark International Airport sa kaparehong survey.

August 1, 2012

Taiwan flag tinanggal sa Olympic display dahil sa protesta ng China


LONDON – Tinanggal na ng Olympic organisers ang bandila ng Taiwan na naka-display sa London kasama ng flags ng iba pang bansang kasali sa 2012 London Olympics.

Pinalitan ang bandila ng flag ng Taiwan Olympic committee na siyang ginagamit ng Taipei tuwing Olympic Games simula noong 1980.

Ito’y makaraang nagreklamo ang embahada ng China sa London dahil mali umano ang bandilang naka-display.

Ang China at Taiwan ay itinuturing na hiwalay na bansa simula nang matapos ang civil war noong 1949 subalit inaangkin pa rin ng Beijing ang Taiwan na bahagi nito.

Umalma naman si Taiwan ambassador to United Kingdom Shen Lyushun at nag-demand ng paliwanag sa pagtanggal ng kanilang bandila.

Ayon sa tagapagsalita ni Shen, umaasa silang maibalik ang kanilang national flag sa hilera ng mga bandilang naka-display sa London.

Una nang naging kontrobersyal ang pagsisimula ng mga laro sa Olympic Games nang mag-walkout ang women’s football team ng North Korea bago ang opening match nila sa Colombia nang bandila ng South Korea ang ginamit kasama ng kanilang larawan bilang pagpapakilala sa kanila at hindi bumalik ng pitch hangga’t hindi naayos ang problema.

August 1, 2012

Jessica Sanchez, excited na sa pagbisita sa Pilipinas

Excited na si American Idol (AI) runner-up Jessica Sanchez sa pagbisita sa Pilipinas para sa gaganaping American Idol Live Tour 2012 Concert sa September 21 sa Araneta Coliseum.

Sa naging panayam ni ABS-CBN Correspondent Yong Chavez, sinabi ni Jessica na ninenerbyos siya pero very excited nang makapunta ng Pilipinas para mapasalamatan ang mga kababayang todo-suporta sa kanya.

Makakasama ni Jessica sa AI concert ang top 10 finalists na sina Joshua Ledet, Colton Dixon, Skylar Laine, Hollie Cavanagh, Elsie Testone, Heejun Han, Deandre Brackensick, Erika Van Pelt at si American Idol Winner Phillip Phillips

August 1, 2012

Gerald Anderson, itinigil na ang panliligaw kay Sarah G

Nagtapos na ang panunuyo ng drama prince na si Gerald Anderson kay Popstar Princess Sarah Geronimo na nagsimula noong Pebrero.

Hindi man diretsahang kinumpirma, ang madamdaming pag-uusap nina Sarah at ng kanyang mga magulang na sina Daddy Delfin at Mommy Divine ang tila nagbigay-linaw sa pagtatapos ng espesyal na pagtitinginan ng dalawa.

Sa pinakahuling episode ng “Sarah G Live” kagabi, pinasinungalingan ng Popstar Princess na ang kanyang ina umano ang nagpatigil kay Gerald na manligaw kay Sarah.

“Sa totoo po talaga, hindi po si Mommy ang nagpatigil kay Gerald na manligaw talaga. Hindi si Mommy,” ani Sarah.

Dinepensahan din Mommy Divine ang kanyang sarili sa naturang isyu.

“Actually kami nga ni Daddy [Delfin] ang nagbigay ng permiso sa kanya para ligawan siya [Sarah] sa bahay. Kinausap talaga namin siya nang pormal na sabi ko sa bahay lang pwedeng ligawan ang anak ko, hindi sa labas, ‘di lang sa text,” sabi ni Mommy Divine.

Ayon kay Mommy Divine, nais lamang nilang mag-asawa na sa bahay ligawan ang kanilang dalaga bilang pagrespeto rito.

“Nirerespeto namin kayo pero respetuhin mo rin kami. Kasi babae ang anak ko,” dagdag ni Mommy Divine.

Muntik nang magmadali

Sa pagpapatuloy ng programa, sinabi ni Mommy Divine sa kanyang anak na huwag sana nitong ikasama ang paghihigpit na ginagawa nilang mag-asawa.

Nais lang aniya niyang protektahan ang anak at tanging kabutihan lang ang nais niya para sa singer-actress.

“Kahit anong mangyari, magtampo man kayo, magalit minsan sa akin. Pero magiging firm ako sa stand ko kung ano ang tama para sa inyo. Lagi kong ilalaban yun para maprotektahan ko ang kapakanan ninyo at para hindi kayo mapahamak at mabigyan kayo ng magandang kinabukasan.”

“Para maipagmalaki kayo ng kahit sino kahit na saan kayo magpunta. Kung sino man ang maswerte para sa ‘yo na magiging maswerte rin sa ‘yo dahil pinag-ingatan ka namin.”

“Darating din ‘yon anak. ‘Wag kang mag-alala ibibigay rin ng Diyos yun sayo,” sabi ni Mommy Divine sa kanyang anak.

Sinagot naman ito ni Sarah ng: “Oo nga, di naman ako nagmamadali, muntik lang…”

Matapos nito ay naiyak na ang Popstar Princess at napayakap sa ina.

Matatandaang napabalita noong isang linggo na nagtapos na umano ang espesyal na pagtitinginan nina Sarah at Gerald dahil sa di pagpabor ng mga magulang ng Popstar Princess.

Una nang inamin ng dalaga na nagde-date sila ni Gerald noong mga nakaraang buwan. Naging malapit ang dalawa nang naging magkapareha sa pelikulang “Catch Me…I’m in Love.”

August 1, 2012

Aktor na si Richard Guttierez, pinakakasuhan

Ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) na sampahan ng kasong wreckless imprudence resulting in homicide ang aktor na si Richard Gutierrez.

May kinalaman ito sa kinasangkutang vehicular accident ng aktor noong Mayo 22, 2009 sa Silang, Cavite na ikinamatay ng personal assistant (PA) nitong si Nomar Pardo.

Sa walong pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Stephen Cruz, isinantabi ng 11th Division ng Appellate Court of Resolution ng Department of Justice (DOJ) na may petsang Marso 1, 2010 at Mayo 28, 2010 na nagbabasura sa inihaing kaso laban kay Gutierrez ni Lorraine Pardo, biyuda ng PA ni Gutierrez.

Sa halip ay kinatigan ng CA ang petisyon ni Lorraine na humihiling na mapawalang bisa ang mga resolusyon nila Justice Secretary Agnes Devanadera at Alberto Agra.

Kaugnay nito, binuhay ng CA ang Septyembre 28, 2008 resolution ng Cavite Provincial Prosecutor na nagrerekumenda na sampahan si Gutierrez ng kaso sa Municipal Trial Court ng Silang, Cavite.

August 1, 2012

Medal Tally As of August 1, 2012 : LONDON OLYMPICS 2012

Image

 

Medal Table

Overall Medal Count

Rank Country Gold Silver Bronze Total
1 China 13 6 4 23
2 United States 10 8 7 25
3 France 4 3 4 11
4 Germany 3 5 1 9
5 South Korea 3 2 3 8
6 North Korea 3 0 1 4
7 Kazakhstan 3 0 0 3
8 Italy 2 4 2 8
9 Russia 2 2 5 9
10 Ukraine 2 0 2 4
Tags: ,